Ano Daw? Bakasyon. I miss travelling. Tipong legit na ilang araw kang soul-searching, malayo sa lahat ng polusyon ng makabagong mundo. ‘Yung tipong ang ingay lang na maririnig mo e yung huni ng mga kuliglig, at yung boses nung tao na nakatira sa loob mo na bihira mo nalang mapansin.
‘Yung tipong bawat hinga mo ng malalim ng hangin na ubod ng sariwa e ramdam mong lumulusog ang puso at isipan mo. Tipong ang huling makikita mo bawat gabi, bago mo tuluyang ipikit ang mga mata mo at ihulog sa mga panaginip ang isip mo, eh yung langit na hitik sa mga bituin na labis nalang kung magningning.
‘Yung tipong bawat ngiti ng mga simpleng tao na makakasalubong mo sa daan e magpapaalala sa iyo kung gaano nga pala talagang kasarap na mabuhay. ‘Yung tipong pagtingin mo sa tabi mo, kasama mong nagsasaya ang ilan sa mga taong pinakamalapit sa puso mo. :)
Hahay. Kaya lalo ako sinisipag magtrabaho, para may karapatan ako magbakasyon ng ganito kasarap. :] Kapag inisip mo na mahirap, na hindi mo kaya, malamang hindi ka pa nagsisimula, talo ka na kaagad.
Kapag inisip mo na kaya mo, tapos nilakipan mo pa ng tamang prayers & best of all, faith, sigurado, wala kang hindi kayang gawin. :)
Tara. :) Habang tumatanda ako, both in age and Christianity, mas nakikita ko yung mga bagay na totoong mahalaga kesa dun sa mga hindi naman pala. Yung mga dating inakala ko na importante, na I can’t go on living without, ngayon I can set them aside na so that I could give more of myself to the truly important things that are actually worth a piece of my life. :) Alam mo, totoo kasi ‘yun na, kapag bata ka, wala kang ideya kung gaano lang pala kadali at kasimple ang buhay. Ang alam mo lang, kung gaano ‘kalaki’ ang buhay kaya madami kang pipiliting ipagkasya dito. Pipilitin mong gawin lahat para lang may mapatunayan ka. Pero sa huli, hindi ka din naman magiging masaya. Simple lang naman to achieve that sense of fulfillment that we’re all looking for eh. Surrender, and let God fill all the empty spaces in your life. :)
Napapangiti nalang ako ‘pag naiiisip ko how much I have overcome, and how much I have grown. Kumbaga, nasa punto ako ng buhay ko ngayon na, hindi ko pa din naman masasabing nalampasan ko nang lahat ng pagkalito, na I am completely above it all, pero nararamdaman ko naman na kahit papaano, mas malapit na ako ng ‘di hamak dun kesa sa kung nasaan ako dati. Kumbaga, I feel that I’m finally beginning a life of spiritual maturity. Some nights, umiiyak pa ako in prayer sa pasasalamat, sa totoo lang. Kasi alam mo, kahit hindi ko pa alam kung saan ako papunta, wala na akong takot, kasi alam ko kasama ko si Lord sa pagtuklas ng kung saan man ‘yun. When you have achieved this kind of faith in your life, ang sarap sarap mabuhay, promise. :)
Hindi ko ito pinost para magpakitang gilas sa’yo, o may patunayan na kung ano, kung sino ka man na nagbabasa nito ngayon. The Holy Spirit moved me to do this. I’m hoping that with this and many more attempts to follow, that I would be able to inspire people, especially friends and family close to my heart, to seek and have this yearning for God in his or her life. It is the most important thing you could ever commit to: a relationship with our Father in heaven. The best decision that I have ever made was choose a life with Him, and for Him. Kahit kailan, hindi Siya nagkulang sa akin. Kahit kailan, hindi ako nagsisi na pinili kong manampalataya sa Kaniya. He filled up all the empty spaces inside of me: siksik, liglig, at umaapaw pa nga. :)
Ikaw, baka Siya nalang ang kulang sa buhay mo. Baka matagal-tagal ka na din Niyang hinihintay na lumapit. Ano? Tara? Seryoso ako. Kung oo, i-PM mo ‘ko ngayon na. Magtulungan tayo. :) Isip-isip. May nagawa ka na ba sa buhay mo na isang bagay na kahit ano pa ang kinalabasan, kahit balik-balikan mo kapag ala-ala nalang, eh tipong hindi mo magagawang pagsisisihan? O ikaw yung tipo ng tao na katulad ng karamihan sa atin ngayon: alam mong may magagawa ka pa, pero tutunganga ka nalang kasi yun naman ang uso? Noon At Ngayon Noon: adjectives na alam ng mga bata - mapamintas; matiyaga; mapagkunwari; mapagmataas
Ngayon: ‘ad-jeje-ctives’ - okray; trying hard; plastik; feeler
Noon: Kapag kinukuhanan ng litrato, ngingiti ng maganda at pormal. Sayang ang film, mahal kaya magpa-develop sa Agfa o Kodak.
Ngayon: Kapag kukunan ng ‘pichur’, katakut-takot na lukot ng mukha, duck face, anggulo, atbp. ang gagawin kahit hindi naman wacky ang shot. Normal niya lang talaga, promise. Pagkauwi, photoshop agad. More kinis, more fun!
Noon: Wala kang makikitang sumasagot sa magulang ng pabalang.
Ngayon: Halos wala ka nang makitang nagmamano, po, at opo.
Noon: Pinaglalamayang libro - Ibong Adarna, Noli Me Tanghere, El Filibusterismo
Ngayon: Pinaglalamayang book - Facebook.
Sigh. How times change. Hindi mo pansin? O wala ka lang talagang balak gawin? Listened to Etta James, Nat King cole, and Frank Sinatra during my early afternoon today. Ang sarap makinig sa mga lumang awitin ng ganoong oras, kung kailan tulog ang karamihan at kalmado lang ang kalsada. Mas may pagkakataon tuloy ang bawat nota at kataga ng mga kanta na manuot pang mabuti sa bawat sulok at kanto ng pagkatao mong lutong luto na sa karaniwang wala nang lalim na tunog ng makabagong panahon ngayon. From the words to the music to everything, it is true: Nothing could ever beat the classics. They surely don’t make ‘em the same anymore. Maligayang Pasko At Manigong Bagong Taon, Pilipino Kahit na araw-araw ang pagsubok, kahit na sandamakmak ang unos; Kahit nadapa ang ilan at magsisimula pa lamang ulit kumilos; Kahit na may karamdaman, kahit na may kahirapan, kahit na sa pag-usad ay mayroong kabagalan; Kahit anong kutya ang abutin mula sa ibang bayan, at kahit na iba’t iba ang paniniwala tungkol sa paraan pati na araw ng Kapanganakan; Maligayang pasko at manigong bagong taon parin sa iyo, mahal kong Pilipinas, at sa iyo, kapwa ko Pilipino. Ang pinakagusto kong pakiramdam sa mundo eh yung pagod ka, pero masaya ka. Alam ko kasi kapag ganito ang nararamdaman ko, may ginawa ako para maging masaya ako, at ako lang at ang Diyos sa taas ang may dahilan ng sarili kong kaligayahan. Sa sobrang makasarili kasi ng mundo ngayon, iilan na lang ang taong nakakaramdam ng ganitong klaseng kasiyahan. Ang kalakaran kasi ngayon, iba ang napapagod para sa’yo, pero ikaw lang ang masaya. Madalas ganun, kaya nakakalungkot. Pero dapat ‘wag ganun. Masahol ka pa sa magnanakaw, kasi damdamin ang inaagaw mo. Nakangiti ka nga sa labas pero hindi mo alam na sa loob, namamaho ka na pala’t nabubulok. Kung ano’ng butong itanim mo ngayon sa kukote ng mga gumagapang pa lamang na kabataan ng ating kapanahunan, yaon din ang bungang aanihin mo bukas kapag ikaw naman ang wala nang magawa’t lumpo na sa katandaan. “… Mga batang musmos ang hitsura sa labas ngunit kulubot ang kalooban na puwersahang pinatanda ng lipunang mapanimbang na nakapaligid sa kaniya. Puno ng kalyo ang damdamin, marahil; damdaming manhid sa mga tingin na mapanuri, mapangutya, pailalim. Damdaming walang ibang pakiramdam kundi sakit ng tiyan mula sa gutom na nangangalkal ng bituka’t tagos hanggang kalul’wa.”
| | ARCHIVE RANDOM RSSPag-ibig. Pulitika. Drama. Kalokohan. Katotohanan. Yun na.
|